May 9, 2012

20 things I want to say to people but will definitely not be said.



         Ito yung mga bagay na never kong sasabihin sa mga taong tinutukoy ko dito sa blog ko, kaya ko naman sabihin ayoko lang / di lang talaga masabe  :) 

  •  Ang plastik mo/nyo ! why tell it to me straight kesa naman pag wala ako kung anu anu sinasabi mo/nyo.
  • Opportunity please.
  •  Hey alam ko naiinis ka sa sobrang daldal ko kahapon ko lang nalaman pero ok lang adjust nalang me. Akala ko ok lang sayo di pala kaya pala lagi kang may...*
  • Thank you for all the things you did. thanks for hurting me, and I can't thank you enough for all the pain you gave me for it helps me to find who truly loves me 100%.
  • Kinalimutan mo na kami.I hope someday bumalik ka at makita mo mga pagkukulang mo lalu na sa kanya.
  • I love you and I will always be here to support you and to take good care of you. I want to give you best things that I can give. Thanks for the unconditional love you are giving me/us thanks for the trust saming dalawa. I am blessed that you're there to guide me and to love me. I love you :)
  • You are the person who accepts me for who really I am, who loves my imperfections, ung minahal ako ng buong buo. I am sorry sometimes na mas minamind ko pa ung mga taong ayaw sakin, na lagi mo ngang sinasabi na bakit sila ung iniisip ko bakit di nalang ung mga taong mahal ka un ang iplease mo. You are truly my bestfriend my guide and the one who I know that will never leave me. You love me enough to make me realize  I am special even if there are people who always judge me over and over again, you also the person who believes that there is a great potential in me that I will soon succeed. Thank you and I love you :)
  • Thank you sa inyong dalawa super saya ko na anjan kayo. Kahit malayo ung gap ng age niyo sakin mas naiintindihan niyo ako kesa sa mga taong nakapaligid sakin ang paplastik.
  • Ikaw oo ikaw... please lang wag kana magpapaapekto sa mga tao sa paligid mo.. may mga taong sadya lang talagang mapaghusga at palagi kang dinadown. Please lang iwasan mo na makipag usap ng madalas dahil jan napapasama ka. At isa pa kung may problema at mga secrets ka hanggat maaari resolve it by yourself and matuto kang mag observe ng tao sa paligid mo di dahil close sayo ibig sabihin gusto kang maging kaibigan meron jan kahit palagi mo ng kasama naiinis padin sayo di lang nila masabi. At pang huli compose urself there are things you need to solve alone ang dami mo ng mga problema alam ko pero kaya mo yan never ka naman naging quitter diba? Saka this is ur season to learn to be strong and to level up!
  • Nagagalit ka ng wala sa lugar Kainis ka naiinis ako sayo ngaun.
  • Infairness in good terms na tayo ngaun. :) happy din ako sayo may baby kana at ang bait ng wife mo. 
  • Thank you for being there always sa mga gala kahit san kita dalhin sumasama ka at nafifil ko na nakikita mo ung other side ko na di nakikita ng iba. Salamat sa friendship. Kain ulit tayo ng yogurt with cheesecake toppings.
  • Never ko nakakalimutan mga nagawa mo para sakin mula elementary hanggang college :) hayaan mo soon makakabawi din ako sayo.
  • Di lang talaga ako plastik. di kasi maganda nafifil ko sayo dahil sa mga nalaman ko kaya ayokong pansinin ka.
  • Ui thanks sa pagiging thoughtful hayaan mo pag punta ko ulit jan sana ma-treat kita!  ur soo sweet and pretty.
  • Bilisan mo naman kumilos :) Pero kahit ganyan ka di naman ako naiinis. Sanay na siguro ako! 
  • Nagbago kana ngaun ang bait mo na sa min at last sunday binigyan mo ako ng shirt salamat :) I love you!
  • Namimiss na kita. Kahit anung gawin ko never na kita makikita ulit sana andito ka para i hug ako pag may nagpapaiyak sakin tulad ng ginagawaw mo nung bata ako.
  • Ui, konting effort pa malay mo siya na talaga yung girl na hinihintay mo. Sige ka mapunta na naman yan sa iba :)
  • Thanks po sa super warm na pagtanggap niyo sakin. Pati sa pagturo sakin magluto ng caldereta. I love you po kasi mahal kayo ng mahal ko :)


ayan tapos na, And I felt better. Tuloy ang buhay! 

No comments:

Post a Comment

Send Me messages :)